Saturday, June 13, 2009

My kaugnayan ang lahat ng bagay,ang mga multo, aswang, engkanto at kung ano-ano pa man sa lupa. Ang mga serena(mermaids), sea monster at kung ano-ano pa man sa tubig, at sa langit o kalawakan, mga ET or aliens.

Sa pananaw ko ang mga multo ay hindi ang mga taong namayapa pa, isa ito sa mga itinuturing na kakaibang bagay na kayang gayahin ang lahat ng bagay.

Ang aswang, sa tingin ko hindi ito tao, isa itong hayop na kakaiba sa lahat, dahil kumakain sila ng tao at kaya ding gumawa ng isang bagay tulad ng malaking aso, tao, at baboy ramo.

Mga serena or mermaids, tulad natin mga tao, tayo ay namumuhay sa ibabaw ng lupa, naniniwala ako na sa ilalim ng tubig may mga nakatira din tulad natin mga tao, sapagkat hanggang ngayon wala pang nakakarating sa ikalalim-laliman ng karagatan.

Ang mga engkanto naman ay isang uri ng taong may kakayahan na wala sa pangkaraniwang tao, sa totoo lang naniniwala ako na noong unang panahon may mga taong makapangyarihan at dahil sa pagdating ng modernong panahon sila ay unti-unting nawala at naninirahan sa kakaibang lugar.

Naniniwala ako marami pang planeta ang hindi pa nadidiskubre ng mga tao, at hindi lang ang planetang earth ang may mga nabubuhay na nilalang, alam ko sa ibang planetang hindi pa nadidiskubre may mga nilalang ding nabubuhay at sa tingin ko sila ay mga aliens.... tulad nating mga tao, ang mga aliens ay naglalakbay para makadiskubre ng panibagong bagay, sa tingin ko mas high tech sila sa atin.

At isa pang bagay, ang BERMUDA TRIANGLE, naniniwala ako na ito ang isang lugar na kakaiba kung baga kung gusto mo makapunta sa ibang lugar na kakaiba, dapat pumunta ka sa bermuda triangle pero sa kasamaan palad walang tao ang nakakaalam kung saan at kung paano ito makikita.

Ang bermuda triangle ay may kaugnayan sa mga engkanto, sapagkat ayon sa mga saksi bago lumubog ang isang barko sa isang lugar may nakikitang kakaibang nilalang bago ang mga tao sa barko ay mamatay at mawawala.

Naniniwala akong likha ito ng diyos at meron tayong dapat sundin na mga bagay tulad ng pagsisira sa ating planeta, sapagkat ang pagsisira sa ating planeta ay isang hudyat na ayaw mangyari ng mga iba sa atin.

*peace*